Personal na nakipagpulong sina Mayor Oyet De Vera Jr., Vice Mayor Vinyang at Municipal Administrator Maxim Raymundo sa mga rehiyonal na direktor ng Commission on Higher Education (CHED), Department of Education (DepEd) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang talakayin ang mga plano para sa edukasyon at pagsasanay sa bayan ng Culion.

Kabilang sa mga agenda ng pulong ang pagtatatag ng Community College of Culion at ang pagbibigay ng mga TESDA training at certification para sa mga Culionaires.

Ayon sa pamahalaang bayan, ang pulong ay bahagi ng pangmatagalang layunin na gawing “𝑒𝑑𝑢𝑐𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑜𝑓 𝑐ℎ𝑜𝑖𝑐𝑒” ang Calamian, kung saan ang mga kabataan at manggagawa ay may pagkakataong makapag-aral at magkaroon ng kasanayan sa sarili nilang lugar.

Kaisa ng Pamahalaang Bayan ng Culion sa adhikaing ito ang LGU Coron at LGU Busuanga, na magkakasamang nagsusulong ng iisang layunin para sa edukasyon sa buong Calamian.

Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Culion sa pakikipagtulungan sa mga ahensya ng pambansang pamahalaan upang mas mapalawak ang oportunidad para sa edukasyon at hanapbuhay ng bawat Culionaire.

#BalitangCulion#CalamianEducationOfChoice#CommunityCollegeOfCulion#CHED#DepEd#TESDA#LGUCoron#LGUBusuanga#PamahalaangBayanNgCulion