Sa pangunguna ni Mayor Oyet,VM Vi at ng mga Sangguniang Bayan Members buong-pusong ipinagdiriwang at kinikilala ang 27 taon ng tapat, masipag, at dedikadong paglilingkod ni Engr. Fructuoso. 👏💙

Sa loob ng mahigit dalawang dekada, naging bahagi siya ng maraming proyekto, tagumpay, at makabuluhang gawain para sa paglilingkod sa ating komunidad. Ang kanyang dedikasyon at mga ambag ay tunay na karapat-dapat ipagpasalamat at parangalan.

Naging mas espesyal ang pagdiriwang dahil sa mga inihandang intermission number ng kanyang mga kaopisina, na naghatid ng saya at masasayang alaala sa natatanging okasyong ito.

Nagbigay rin ng kanilang mensahe ng pagbati at pasasalamat ang mga opisyal, mga Department Head, at mga kasamahan sa trabaho bilang pagkilala sa mga taon ng serbisyo, dedikasyon, at mga ambag ni Engr. Fructuoso sa kanilang tanggapan at sa buong komunidad.

Bilang pagkilala sa kanyang natatanging serbisyo, siya rin ay pinarangalan sa Gabi ng Parangal, bilang pagpapahalaga sa kanyang mga naging kontribusyon at tapat na paglilingkod. 🏆✨

Maraming salamat, Engr. Fructuoso, sa inyong 27 taon ng serbisyo, dedikasyon, at malasakit. Nawa’y ang pagreretiro ay maging simula ng isang bagong kabanata na puno ng pahinga, saya, kalusugan, at masasayang sandali kasama ang pamilya.

Saludo kami sa inyong serbisyo at legasiya!

Congratulations on your well-deserved retirement!

𝒢𝑜𝑜𝒹𝒷𝓎𝑒 𝓉𝑒𝓃𝓈𝒾𝑜𝓃!

𝐻𝑒𝓁𝓁𝑜 𝓅𝑒𝓃𝓈𝒾𝑜𝓃!