10 YEAR LOCAL SHELTER PLAN NG BAYAN NG CULION SINIMULAN NA!

TINGNAN: 10 YEAR LOCAL SHELTER PLAN NG BAYAN NG CULION SINIMULAN NA!
Alinsunod sa mandato ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Culion na pagtalima sa
Housing and Urban Development laws, ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan mula sa Mayor´s Office, Administrator´s Office, Municipal Planning and Development Office, Municipal Social and Welfare Office, Municipal Engineering Office, Municipal Assessor’s Office, Municipal Health Office, MDRRMO, Bantay Culion Program at SWM office ay inatasan ni Hon. Mayor Ma. Virginia N. De Vera, na dumalo sa 3 days Local Shelter Plan Formulation and Writeshop/Workshop na ginanap noong June 7-9, 2022. Ang nasabing workshop ay pinangunahan ng technical team mula sa Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) na syang tutulong sa pag balangkas ng 10 year Local Shelter Plan ng Bayan ng Culion na nakatakdang maisumite sa Sangguniang Bayan sa huling Linggo ng kasalukuyang Buwan.
Ang Local Shelter Plan ay isang mahalagang Plano o dokumento kung saan nakapaloob ang datos ng kasalukuyang kondisyon ng mga tirahan o kabahayan na nasa hazard prone area. Nakapaloob din sa nasabing plano ang mga estratehiya upang matugunan ang ibat -ibang pangangailangan ng komunidad para manatili sa isang ligtas na pamayanan gayundin ang kakailanganing lupa ng Lokal ng Pamahalaan para sa mga proyektong pabahay o housing requirement ng bayan ng Culion kasabay ng pagtaas ng populasyon sa paglipas ng mga taon.
Nais ipaabot ni Mayor V ang taos pusong pasasalamat kay Regional Director Julius Ervin O. Enciso sa pagtungo at pagbisita sa Bayan ng Culion na naging daan upang maisakatuparan ang LSP formulation workshop.
Tuloy ang pag ABANTE ng Bayan ng Culion!

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan