
10 year Solid Waste Management Plan
Sa pamumuno ni Mayor V at Vice Totel ay isang ordinansa na naman ang naisakatuparan na siyang magsasaayos ng ating mga basura at masiguradong mapangalagaan ang ating bayan.
Ayon kay Mayor V na ang pagpasa ng ating 10 year solid waste management plan ay ang magiging safeguard natin para di na muli masalaula ang pondo ng ating bayan ngunit ang mas mahalagang misyon nito ay maisaayos ang ating mga basura at maisaayos ang ating dumpsite. Malaki ang potensyal na magiging halimbawa tayo ng may pinakamaayos na pagimplementa ng solid waste management plan lalo na kung ang lahat tayo ay magtutulungan at magkakaroon ng disiplina.
Samantala ayon kay Vice Totel “Isang napakaimportanteng ordinansa na naman ang naipasa ng ating Sanggunian dahil tayo ay naniniwala na dapat ang Sanggunian at ang ehekutibo ay nagtutulungan sa mga mahahalagang desisyon at programa na ang tunay na makikinabang ay ang ating bayan. Natuldukan na ang matagal na paghihintay natin ng mga ordinansang matino at may malasakit dahil sa administrasyong ito ay mahahalagang ordinansa ang naipasa natin”.
Asahan natin ang pagkakaroon ng mga IECs sa mga susunod na araw upang mapaigting ang kampanya ukol dito. Abante Culion!
[pdf-embedder url=”https://www.culionpalawan.gov.ph/wp-content/uploads/Resolution-Approving-and-Adopting-the-Ten-10-Years-Solid-Waste-Management-Plan-of-the-Municipalitu-of-Culion-Palawan.pdf” title=”Resolution Approving and Adopting the Ten (10) Years Solid Waste Management Plan of the Municipalitu of Culion Palawan”]