Skip to main content

123rd PCSA Cultural Night 2023

TIGNAN: ANG MAKULAY NA PAGTATANGHAL NG MGA KOPONAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN SA 123RD PHILIPPINE SERVICE ANNIVERSARY CULTURAL NIGHT 2023
Sa patuloy na pagdiriwang ng ika-123 na Anibersaryo ng Serbisyo Sibil ng lokal na pamahalaan ng Culion ay itinanghal ng Team Gatasan, Pagi, Walo-walo, at Tuyom ang kanilang mga pambato sa patagisan ng pag-awit o Bagong Tuklas sa hanay ng kalalakihan at mga kababaihan na sinundan naman ng Modern Dance competition at ng Modern Ethnic Dance na siyang nilahukan rin ng mga Opisyal at mga Department Heads ng lokal na pamahalaan. Ang lahat ng ito’y isinagawa sa isang paligsahan na ang layunin ay buhayin ang mga malikhaing abilidad ng mga kawani ng lokal na pamahalaan, na siya namang masayang nagdulot ng aliw sa ating mga kababayan na nanood kagabi.
Labis ang galak ng ating mga kawani dahil na rin sa patuloy na pagsusuporta ni Mayor V sa mga ganitong aktibidad na siyang naglilinang ng ating mga itinatagong talento.
#AbanteCulion
#IHEALCulion
#ProgramangMalasakit
#123rdPCSAnniversary
#CulturalNight

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan