
124TH CELEBRATION OF PHILIPPINES INDEPENDENCE DAY, IPINAGDIWANG SA ATING BAYAN
Tuwing Hunyo 12, Araw ng Kalayaan ay inaalala ng bansa ang mga bayani nag-alay ng buhay upang makamit natin ang ating kasarinlan. Ang ngalang Dr. Jose P. Rizal ay naging mukha ng ating kalayaan dahil sa malaking kontribusyon at sakripisyo na kanyang binigay. Ang kanilang kabayanihan ay ating pinaparangalan upang hindi mawala sa puso ng mamamayan lalo na sa mga kabataan ang ginawa nila para sa Inang Bayan.
Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan kasama ang iba’t-ibang ahensya, paaralan at pribadong sektor ng ating bayan naging matagumpay ang pagdiriwang. Sa pamamagitan ng isang programa na may temang
“Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas” na kung saan ay naghanda ng mga pagtatanghal o pagpupugay para mabigyan ng pagkilala ang ating mga Bayani na hindi naisagawa sa nakalipas na dalawang taon.
Sa kasalukuyang panahon, ang mga frontliners ay ang makabagong bayani na araw-araw nakikipaglaban sa pandemya na laganap sa buong mundo. Nawa’y sa kanilang ginagawa ay mamutawi sa ating kaisipan ang pagiging makatao at makabayan. Lahat tayo ay kabilang sa pinasasalamatan dahil sa kanya-kanya nating sakripisyo para sa ating pamilya.
#124thIndependenceday
#bayaniNgbayan
#abanteculion