
14 DAYS HOME QUARANTINE PROCEDURE
O P I S Y A L N A P A B A T I D
KAMI SA LOKAL NA PAMAHALAAN NG CULION PALAWAN AY NAKIKI USAP SA PUBLIKO NA MAKIPAG TULUNGAN SA NATIONAL NA PAMAHALAAN AT LOCAL NA PAMAHALAAN SA PAMAMAGITAN NG PAG SUNOD SA MGA ALITUNTIN.
UNA SA LAHAT NA MGA RESIDENTE NG CULION NA KAMAKAILAN AY NAG BIYAHE PALABAS NG PALAWAN AT TUMUNGO SA MAYNILA O SA IBA PANG LUGAR SA LABAS NG MUNISIPALIDAD NG CULION AT BUMALIK NG NAKARAAN LINGO AY INAATASAN NA SUMAILALIM SA 14 DAYS HOME QUARANTINE PROCEDURE, SA PROSESONG ITO ANG NASABING MGA TAO AY KAILANGAN MUNA MANATILI SA KANIKANILANG MGA TAHANAN, MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG PAGLABAS AT PAGHALUBILO SA PUBLIKO.
PINAKIKIUSAPAN ANG MGA ITO NA MAG PASABI SA KANILANG MGA BARANGAY UPANG MAIMONITOR NG BARANGAY HEALTH UNIT ANG KANILANG SITUATION NG ITO AY MAMANAGE NG MAAYUS AT MAMONITOR NG LOKAL NA PAMAHALAAN.
ISA SA PAMARAAN ITO UPANG HINDI KUMALAT ANG NAKAKAMATAY NA SAKIT NA PATAAS NG PATAAS ANG MGA KUMPIRMADONG KASO. NAKIKIUSAP ANG LOKAL NA PAMAHALAAN NA MAGKUSA NA MAGING PARTE NG SOLUSYON AT WAG DUMAGDAG SA SULIRANIN PA.
PINAKIKIUSAPAN ANG LAHAT NA SUMUNOD, KUNG KINAKAILANGAN AY GAGAMITIN NG LOKAL NA PAMAHALAAN ANG LAHAT NA LEGAL NA PAMARAAN UPAN IPATUPAD ANG QURANTINE, ISA SA PAMARAAN NA MAARING GAMITIN AY ANG PAGTAWAG SA PNP-CULION UPANG IPA ARESTO ANG MGA LALABAG SANGAYON SA MGA SUMUSUNOD NA BATAS, ANG RA 9271 QUARANTINE ACT OF 2004 AT SA RA 11332 LAW ON REPORTING OF COMMUNICABLE DISEASES.
MULI ISANG PAALALA ANG PAG KANSELA NG KLASE AY HINDI DAPAT GAMITIN UPANG MAG PICNIC O MAG GAGALA ANG MGA MAG AARAL SA PAMPUBLIKONG LUGAR, HINDI ITO BAKASYON, ITO AY MAAGANG PAG-AGAP SA PAGKALAT NG SAKIT AT PAG IWAS SA POSIBLENG PAGKALAT AT PAGKAKAHAWA. MULI PINAKIKIUSAPAN ANG MGA MAGULANG NG ATING MAG AARAL NA MAGING MAPAGMATYAG AT MAPAGBANTAY SA ATING MGA KABATAAN.
PINAALALAHAN DIN NG ATING RURAL HEALTH UNIT ANG LAHAT NA KUNG SAKALING IKAW AY SUMAILALIM SA MANDATORY 14 DAYS QUARANTINE PERIOD AT NAKADAMA NG MGA SUMUSUNOD NA SINTOMAS TULAD NG LAGNAT, UBO AT SIPON O MGA “FLU LIKE” SYMPTOMS (TRANGKASO) AY AGAD MAKIPAG UGNAYAN SA BARANGAY HEALTH UNIT O SA RURAL HEALTH UNIT UPANG MAAGAPAN AT MAASIKASO AGAD. IPINAPAALALA DIN NG RHU NA ANG PAGHUHUGAS NG KAMAY NG TUBIG AT SABON AT PAG GAMIT NG ALCOHOL AY ISANG, PAG INUM NG SAPAT NA TUBIG AT PAG EHEHERESISYO AY MABISANG PARAAN UPANG MAKA IWAS SA NASABING SAKIT. DAGDAG PA DITO ANG PAG SUNOD SA WASTONG PAG UBO SA PAMPUBLIKONG LUGAR AT HINDI PAG DURA SA PAMPUBLIKONG LUGAR.
MULI HUMIHINGI KAMI NG INYONG PAG UNAWA AT KOOPERASYON, ISANTABI MUNA NATIN ANG ATING MGA PERSONAL AT POLITIKAL NA PANANAW AT MAG TULUNGAN UPANG MASUGPO ANG SULIRANIN NATING ITO. SA BAYAN NG CULION WALANG IWANAN, SABAY SABAY AT SAMA SAMA TAYO SA PAG ABANTE NG CULION.