Skip to main content

1ST BATCH NG EDUCATIONAL ASSISTANCE PARA SA MISCELLANEOUS FEE (PTA)

PROGRAMANG MALASAKIT PARA SA EDUKASYON UPDATES: 1ST BATCH NG EDUCATIONAL ASSISTANCE PARA SA MISCELLANEOUS FEE (PTA) NG MGA MAG AARAL NG CNHS-MAIN CAMPUS PARA SA S.Y 2020-2021 NAIBIGAY NA!

Sa kabila ng modular distance learning modality na ipinatupad sa mga paaralan mula noong nakaraang taon ay patuloy pa ring naka alalay ang programa ng ating Lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mahal na Mayor Ma. Virginia Nakachi. De Vera, sa ilalim ng IHEAL Program (Programang Malasakit sa Edukasyon) upang maging katuwang ng mga magulang at mga kabataan na nag susumikap upang maipag patuloy ang pag-aaral.

Kahapon September 27, 2021 sa direktiba ni Mayor V ay ipinagkaloob na ng ating lokal na pamahalaan ang tulong pang edukasyon para sa 110 na 1st batch na benepisyaryong mag aaral ng CNHS-Main Campus, direkta sa PTA President at treasurer ng nasabing paaralan.

Sa mga susunod na mga araw ay muling mag iikot sa mga barangay ang I HEAL education team upang makipag arampang ampang sa mga estudyante at magulang, kasabay ng pag sumite ng mga requirements para sa kasalukuyang School Year (2021-2022)

Makakaasa ang magulang at mag aaral na patuloy tayong magiging kabalikat nila tungo sa pag abante ng kabataang taga Culion!

#IHEALProgram
#ProgramangMalasakitsaEdukasyon
#AbanteEdukasyon
#WorkingMayor
#AbanteCULION!

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan