Skip to main content

1st MUNICIPAL CHILDREN’S CONGRESS

ATING TUNGHAYAN:

Dahil isa sa nais pahalagahan ng ating lokal na pamahalaan ay ang sektor ng bata at kabataan, kung kaya’t dahil sa direktiba ng ating mahal na Mayor ay kanyang inilunsad ang 1st MUNICIPAL CHILDREN’S CONGRESS na may temang “Batang Culion Kasama sa Pag-abante!”
Ang nasabing pagdiriwang ay gaganapin bukas, ika-2 ng Disyembre 2023 sa Balala Covered Court. Kasama rito ay mga estudyanteng mula sa iba’t ibang paaralan, mga guro, LGU officials, LCPC members, Punong Barangays, SK Chairmen, VAW Desk Officers, BCPC Child Representative, LGU Department Heads, mga piling resource speakers at ilan pa.
Layunin nito na maipahayag ng ating mahal na Mayor Ma. Virginia Nakachi de Vera ang mga naisakatuparan na mga programa at plano patungkol sa mga bata.
Magkakaroon rin ng mga “Kwentuhang Makabata” at pagpili para sa Local Council for the Protection of Children- Child Representative na may edad 10 hanggang 15 taong gulang.
#batangCulionKasamaSaPagabante
#AbanteCulion
Culion Municipality
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan