Skip to main content

1st Quarter Meeting at Consultation Dialogue and Lobbying

TIGNAN||

Sa pangunguna ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) katuwang ang tanggapan ng Municipal Social Welface and Development (MSWD) ay matagumpay na naisagawa ang 1st Quarter Meeting at Consultation Dialogue and Lobbying with Local Government Unit of Culion on Age Friendly Cities and Communities in the Philippines kahapon ika-24 ng Enero taong kasalukuyan.

Ang nasabing programa ay pinangunahan ng ating mga panauhin mula sa National Commission on Senior Citizens na kung saan ay tinalakay ang Priority Legislation of NCSC and Overview on Age-Friendly Cities and Communities at Presentatuon on RA 11350 Updates on the Undertakings of NCSC.

Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaan ng Culion sa Pangunguna ng ating Punong Bayan, Ma. Virginia N. De Vera at mga Senior Citizens Culion Chapter Presidents sa mga panauhin mula sa NCSC na sina, Commissioner Reymar R. Mansilungan, Commissioner Ricardo Rainier G. Cruz III at sa iba pa nilang kasamahan.

Inaasahan ang mas aktibong pakikilahok ng mga Samahan ng Senior Citizens sa Bayan ng Culion magmula ngayon at sa mga susunod pang taon. Abante Culion!

#ProgramangMalasakit
Culion Municipality

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan