
2022 COMMUNITY-BASED DISASTER RISK AND REDUCTION MANAGEMENT (CBDRRM) TRAINING
2022 COMMUNITY-BASED DISASTER RISK AND REDUCTION MANAGEMENT (CBDRRM) TRAINING
Sa inisyatibo at pakikipagugnayan ng ating Punong Bayan Virginia Nakachi De Vera kay Gov. Jose Chavez Alvarez ay matagumpay na naisagawa ang 3-day Community-Based Disaster Risk & Reduction Management noong Pebrero 22-24, 2022. Ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng ating MDRRMO at Province of Palawan sa pangunguna ni PDRRMO Jerry Alili. Ang nasabing aktibidades ay ginanap sa Culion National High School, Balala Elementary School, at sa Baldat Covered Court na dinaluhan naman ng lahat ng mga barangay officials at volunteers dito sa ating bayan.
Layunin ng pagsasanay na malinang ang mga barangay officials at volunteers pagdating sa pagsasagawa ng mga komprehensibong plano para sa mga angkop na programa at proyektong makakatulong sa mas epektibong implementasyon para sa kaligtasan at kaayusan ng ating bayan at maging ang tamang paggamit ng mga pondong nakalaan para dito.
Nais ni Mayor V na patuloy na mapataas ang kalidad at serbisyo ng ating Local DRRM dahil isa ang tanggapan na ito na nagbibigay ng seguridad at kaligtasan sa mamamayan ng Culion. Patuloy na pag-abante sa mas progresibo at mas ligtas na bayan!
#AbanteCulion
#2022CBDRRM
#TatakMayorV