Skip to main content

2023 Elderly Week Celebration

ℕ ℙ
2023 ELDERLY FILIPINO WEEK CELEBRATION, MATAGUMPAY NA NAIDAOS SA BAYAN NG CULION
Nito lamang buwan ng Octobre ay matagumpay na naidaos ang ELDERLY FILIPINO WEEK CELEBRATION sa bayan ng Culion. Base sa direktiba ng ating Punong Bayan Ma. Virginia N. De Vera, ay inikot ng ating Municipal OSCA Head Felicidad U. Pastrano, FSCAP President Gil Valientes at MSWDO Arlene Ballesca ang 14 na Barangay, upang maka daup-palad at maiparamdam sa ating mga Lolo at Lola ang tunay nilang halaga. Sa bawat Barangay ay nagkaroon ng maikling programa na sinundan ng mga palaro ng ating OSCA Head. Hindi matatawaran ang saya na ating naibigay sa mga minamahal nating mga Senior Citizens sa bayan ng CULION.
Nararapat lamang na sila ay bigyang pugay sa legasiya sa kanilang nagawa sa bawat pamilya maging sa buong komunidad.
Saludo po kami sa inyo mga mahal naming SENIORito at SENIORita..
#AbanteCulion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan