
288 TABLETS IPINAGKALOOB SA CULION NATIONAL HIGH SCHOOL MULA SA PROVINCIAL GOVERNMENT!
JUST IN: 288 TABLETS IPINAGKALOOB SA CULION NATIONAL HIGH SCHOOL MULA SA PROVINCIAL GOVERNMENT!
Dahil na rin sa pandemyang kinahaharap ng ating bansa, isa sa mga apektado ang ating mga mag-aaral at guro.
Ang CNHS ang isa sa mapalad na napagkalooban ng mga tablets (288 units) na mula sa provincial government sa pangunguna ni Gobernador Jose Ch. Alvarez. Ito ay isang hakbang ng provincial upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga guro at mag-aaral upang mapagaan at maibigay ang magandang edukasyon sa ating mga kabataan dahil narin sa walang face to face.
Kahapon, September 7, 2021, ay ginanap ang turn-over ng mga nasabing tablets sa CNHS kung saan dumalo ang ating Mahal na Mayor Ma. Virginia N. De Vera at mga representante mula sa provincial government upang personal na ibigay ang mga nasabing tablets.
Laking pasasalamat ng ating mga guro, mag-aaral at magulang sa ipinagkaloob ng ating Provincial Government of Palawan at sa ating Gobernador JCA sa walang sawang pagsuporta sa edukasyon.
#PGPatLGUkabalikatngDepEd
#SulongEdukasyon
#WorkingMayor
#AbanteCulion