Skip to main content

2ND SOCIAL PENSION PAYOUT PARA SA ATING MGA SENIOR CITIZEN MATAGUMPAY NA NAIPAMAHAGI!


Nais ipaabot ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor V, na naging matagumpay ang pamamahagi ng pangalawang bugso ng Social Pension para sa ating senior citizens. Dahil sa pagkaantala nitong nagdaang pandemya hindi agad naibigay ang ayudang pension na mula sa National.
July 11, 2022, nagsimula ang pamimigay ng pensiyon sa ating mahal na senior citizens. Ang nasabing tulong ay mula sa buwan ng Enero hanggang Hunyo ngayong taon. Pinangunahan ng DSWD katuwang ang pamunuan ng MSWD at OSCA. Ang mga pensyonadong matatanda ay lubos ang pasasalamat at kagalakan dahil sa kanilang natanggap.
Muli isang paalala ni Mayor V na huwag maniniwala sa mga paninira at maling impormasyon na wala sapat na basehan. Maaring lamang na sumangguni sa tanggapan ng MSWD para maliwanagan sa tamang proseso at katanungan na siyang bibigyan ng tamang aksyon.
#SOCPEN2022
#DSWD
#abanteculion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan