30th Civil Registration Month February 2020

Ang ating Lokal na Pamahalaan ay nagsagawa ng Mobile Registration at IEC Campaign patungkol sa Kasalang Bayan na pinamagatang “Oplan Rehistro at Malawakang Serbisyo Publiko na hatid ni Mayor Ma. Virginia N. De Vera” sa pamamagitan ng tanggapan ng Municipal Civil Registrar (MCR) kasabay ng pagdiriwang ng 30th Registration Month na may temang “Shaping CRVS by Embracing New Trends in the 4th Industrial Revolution (4IR)”.

Dahil dito inatasan ni Mayor V ang team ng MCR upang tumungo sa Sitio Alulad sa Barangay Baldat nito lamang ika-4 buwan ng Pebrero at nakapanayam nila ang mga IPs na may 7 bilang na magpapa-rehistro ngayong buwan, mayroon namang 17 na bata at 9 na matatanda ang kailangan ng PSA Request para mairehistro, 3 naman ang bilang ng magkasintahan na nailista para sa nalalapit na Kasalang Bayan at ating tinutulungan na makakuha ng kanilang Certificate of Live Birth (COLB).

Sa pagkakataong ito ang team ng MCR ay patuloy na magsasagawa ng Mobile Regitration at IEC Campaign para sa ating mga kababayan upang masiguro ang kanilang mga rehistro at records.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!