
3rd quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED)2022
Ayon sa direktiba ng ating Punong Bayan, Hon. Ma. Virginia N. De Vera, ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Culion ay nakiisa at nakilahok sa pagsasagawa ng 3rd quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED)2022 sa pangunguna ng MDRRMO Designate, Armando G. Lagrosa II, RN, kasabay nito ay ang orientation patungkol sa Bomb Threat ng OIC- Culion MPS, PCPT Orland A Tagaro at Fire Suppression gamit ang fire extinguisher naman ng BFP Personnel, katuwang ang mga sumusunod:
Culion MHNO
Culion MPS
Culion Fire Station (BFP)
PCG Culion
BPATS
Binudac Elem. School Teachers
Binudac Elementary Students
Naging matagumpay ang pagsasagawa ng nasabing aktibidad na ginanap kaninang alas 9:00 ng umaga sa Binudac Elementary School, Sitio Payatok, Barangay Binudac, Culion.
Ang mga ganitong klase ng pagsasanay ay patuloy nating isasagawa upang maging handa ang ating mga kababayan sa panahon ng sakuna at kalamidad dulot ng pagyanig ng lupa at iba pang panganib.
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)