Skip to main content

3rd quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED)2022

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Alinsunod sa direktiba ng ating Punong Bayan, Hon. Ma. Virginia N. De Vera, ang Opisina ng MDDRM ay nagsagawa ng pagpupulong ukol sa gaganapin na 3rd quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED)2022 sa pangunguna ng MDRRMO Designate, Armando G. Lagrosa II, RN. Ang nasabing aktibidad ay isasagawa sa Binudac Elementary School sa ganap na 8:00 ng umaga, katuwang ang mga sumusunod:
MHNO
Bureau of Fire Protection
PCG Culion
Culion MPS
Naging matagumpay ang nasabing pagpupulong na ginanap kaninang alas 10:15 ng umaga sa MDRRM Office Conference room.
Ang mga ganitong klase ng pagsasanay ay patuloy nating isasagawa upang maging handa ang ating mga kababayan sa panahon ng sakuna at kalamidad dulot ng pagyanig ng lupa at iba pang panganib.
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan