3rd Wave Relief Goods Distribution sa Barangay Osmeña Proper at ibang Karatig na mga Sitio ng Barangay

Ika-1 ng Mayo taong kasalukuyan ay inatasan ng ating Punong Bayan Hon. Ma. Virginia Nakachi De Vera ang mga kawani ng Mayor’s Office katuwang ang Sanggunian Bayan Members Hon. Cecilia Cunanan at Hon. Felford Solas na pangunahan ang 3rd wave relief goods distribution sa Barangay Osmeña Proper at ibang karatig na mga sitio ng barangay.

Siniguro ng ating Punong Bayan na ang lahat ng kabahayan sa Sitio Bernabe, Sitio Pilapil, Sitio Pulang Lupa, Sitio San Jose, Sitio Pescadores at Sitio Bario na mayroong kabuuhang bilang na 871 na pamilya ay agarang mahatiran ng ayudang tig sasampung (10) kilong bigas na higit na kailangan ng bawat mamamayan upang masiguro na ang lahat ay may maihaing pagkain sa kabila ng pagsubok na ating kinakaharap dulot ng pagka-antala ng mga trabaho at kawalan ng kinikita dahil sa mas pinalawig na implementasyon ng Enhanced Tommunity Quarantine sa komunidad.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!