
99 Individuals from the Tagbanua Tribe Benefited
Programang Pangkalusugan ni Mayor V
99 Individuals from the Tagbanua Tribe Benefited from the Community Outreach Activity Conducted by the MHNO Medical Team on Sept. 9, 2022 at Sitio Bulok-Bulokan, Brgy Osmena, Culion
Isang hamon man na maituturing na ilapit ang mga programang pangkalusugan para sa mga kababayan nating IPs, hindi naman matatawaran ang dedikasyon ng buong MHNO Medical Team para ihatid ang mga serbisyong ito.
Kabilang sa mga serbiysong naisagawa ay ang mga sumusunod:
– General health consultation
– Prenatal check-up sa mga buntis
– Immunization o bakuna para sa mga bata
– Vaccination laban sa COVID-19 (primary series at booster dose)
– Contraceptive implant insertion at DMPA injection
– Free circumcision drive/ Operation Tuli
– Pagbabahagi ng maintenance medication para sa mga Senior Citizens
– Pagbabahagi ng vitamins para sa lahat
– Ilang laboratory services (CBC, Urinalysis, Sputum AFB atbp.)
– Health education o pagpapalagaap ng mensaheng pangkalusugan
Prayoridad ngayon ng pamahalaang lokal ang pagtataguyod ng kalusugan ng bawat mamamayan ng Culion, kasama na rito ang mga kababayan nating IPs, para sa muling pagbangon at pagbubukas ng ekonomiya, turismo at mga paaralan.
—————————
Nagsagawa rin ang Sanitary Team ng inspection at validation sa mga tindahan at iba pang negosyo upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa tamang regulasyon.
Abante Culion!