Your browser is not supported for the Live Clock Timer, please visit the Support Center for support.

Bayan ng Culion Pararangalan bilang isa sa mga Child Friendly Municipalities ng MIMAROPA

Muling pararangalan ang ating bayan na isa sa mga Child Friendly Municipalities sa buong MIMAROPA para sa mga programang naipatupad sa taong 2018. Matatandaan na unang pinarangalan ang ating bayan ng taong 2017.

Ang parangal na ito ay dahil sa mga makabuluhang programang naimplementa ng ating lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor V. Ang mga programang ito ay nakapaloob sa Programang Malasakit ng ating Punong Bayan at IHEAL Flagship Program.

Ayon kay Mayor V, ang mga parangal na gaya nito ay balidasyon ng kaledad ng ating serbisyo sa komunidad. Patuloy nyang paiigtingin ang mga komprehensibo at epektibong programa sa lahat ng sektor. Nais din pasalamatan ni Mayor V ang ating MSWD Team sa pangunguna ni Ms Arlene Ballesca at Team Abante Culion sa pagsisigurado na ang bawat programa ay naipapatupad ng maayoa at wasto.

Abante Culion!