Your browser is not supported for the Live Clock Timer, please visit the Support Center for support.

TRANSPORTATION ASSISTANCE

NGAYONG ARAW MARCH 24, 2020

SA KAGUSTUHAN NI MAYOR V. NA MABIGYAN NANG AGARANG ATENSYON ANG MGA TRICYCLE DRIVERS/OPERATORS NA ATING MGA KABALIKAT SA PROGRAMANG I-HEAL EDUCATION PROGRAM –

“TRANSPORTATION ASSISTANCE” NA DIREKTANG NAAPEKTUHAN NG ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE AY AGAD NYANG IPINA- RELEASE SA MGA ITO ANG BUWANANG RENTA SIMULA JANUARY – MARSO TAONG KASALUKUYAN, PARA SA ARAW-ARAW NA PAGSUSUNDO AT HATID SA MAG AARAL NG CULION NATIONAL HIGH SCHOOL MAIN CAMPUS.

NGAYONG ARAW, MAYROON TAYONG 20 TRICYCLE DRIVERS NA NAKA TANGGAP NG HALAGANG P 9,240 PESOS BAWAT ISA PARA SA TATLONG BUWAN NA PAMASAHE NG 147 ESTUDYANTE MULA SA POBLACION PATUNGONG CNHS SA BARANGAY JARDIN.
ANG NASABING BAYAD AY DIREKTANG INIHATID SA KANI KANILANG MGA TAHANAN UPANG MAIWASAN DIN ANG PAG PILA AT MASUNOD ANG SOCIAL DISTANCING PROTOCOL .

NAIS IPAABOT NG ATING LOKAL NA PAMAHALAAN NA PATULOY ANG PAG AGAPAY AT PAGTULONG PARA SA ATING MGA MAMAMAYAN NA NAAPEKTUHAN NG ENHANCE COMMUNITY QUARANTINE SANA’Y MAG PATULOY LAMANG PO ANG PAG SUNOD SA MGA ALITUNTUNIN NG PARA MAPANATILING MAGING LIGTAS ANG ATING BAYAN SA COVID19.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
error: