Your browser is not supported for the Live Clock Timer, please visit the Support Center for support.

Selebrasyon ng World Earth Hour sa darating na ika-30 ng Marso, taong 2019

Ang Bayan ng Culion ay makikiisa sa selebrasyon ng World Earth Hour sa darating na ika-30 ng Marso, taong 2019.

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mamamayan ng Culion na makilahok sa selebrasyong ito. Ang amin pong Opisina ay nagpadala na ng imbitasyon sa lahat ng barangay, at kung sino man po ang nais na dumalo ay makipag-ugnayan sainyong mga Barangay Officials. Inaasahan po namin ang inyong partisipasyon sa importanteng aktibidades na ito. Halina’t simulan ang pagbabago at ipakita ang ating pagmamahal sa ating Inang Kalikasan! 💚
See you all there, Culionians!