Your browser is not supported for the Live Clock Timer, please visit the Support Center for support.

NAGWAGI ang lahat ng mga Nominado sa DSWD REGIONAL Ulirang Nakakatanda Award mula sa bayan ng Culion

NAGWAGI ang lahat ng mga Nominado sa DSWD REGIONAL Ulirang Nakakatanda Award mula sa bayan ng Culion.

Sa unang pagkakataon, ay kinilala ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor V ang mga kontribusyon sa ating komunidad ng ating mga senior citizens at sa unang pagkakataon din ay isinulong ni Mayor V sa pamamagitan ng ating MSWDO Arlene Ballesca na sila ay maging nominado sa 11th Search ng MIMAROPA Ulirang Nakakatanda Award.

Ika 7 ng Setyembre ng kinilala ang ating mga nominado buong MIMAROPA bilang Ulirang Nakakatanda Award. Sampu mula sa Govt Sector category at sampu din sa Social Pension category ang mga napili.

1. LILIA D. DIAZ – Rank 1 Ulirang Nakatatanda Awardee (individual category – government sector

2. MARGARITA VILLA (Bgy. Luac) Rank 2 Ulirang Nakatatanda Awardee Social Pensioner category

2. FATIMA FERNANDEZ (Sitio Kabel-kabel Bgy. Malaking Patag) Rank 9 Ulirang Nakatatanda Awardee Social Pensioner Category.

Ayon kay Mayor V ay patuloy na ipadadama ng lokal na pamahalaan ang malasakit at pagmamahal sa ating mga senior citizens at pagkilala sa kanilang mga kontribusyon. Patuloy na sila ay mamahalin at pagsisilbihan.

Sulong Programang Malasakit. Abante Culion!