Your browser is not supported for the Live Clock Timer, please visit the Support Center for support.

Pagsasaayos ng Right of Way, Tubig at Kuryente sa Jardin Relocation Site

Inatasan ni Mayor V ang ating administrador Max Raymundo, MDRRMO Armando Lagrosa II na agarang makipagugnayan sa Punong Barangay ng Jardin upang isaayos ang right of way, tubig at kuryente sa Jardin relocation site.

Matapos ang ugnayan sa mga kabahayan sa relocation site ay bumuo si Mayor V ng isang team na binubuo ng ating administrador, assessor Edda Dimanalata, Engr Fructuouso, MDRRMO Jhong Lagrosa at Bgy Captain Ubay, na syang tututok para maisaayos right of way, tubig at kuryente.

Inaasahan ng ang mga isyu o hinaing ng Jardin relocation site ay agarang maisasaayos.

Abante Culion!