
a bisa ng Executive Order No. 73, Series of 2021 ay tinanggal na sa enhanced community quarantine sa karamihang Sitio ng Brgy Osmena
Sa bisa ng Executive Order No. 73, Series of 2021 ay tinanggal na sa enhanced community quarantine sa karamihang Sitio ng Brgy Osmena. Ito ay ang mga Sitio San Jose, Sitio Bernabe, Sitio Pilapil, Pulang Lupa, at iilang kabahayan sa Sitio Pescadore. Samantalang mananatili sa ECQ ang Barrio Proper at malaking parte ng Sitio Pescadores. Ito ay matapos ang lahat ng tracing at nasigurado na nailipat na sa isolation areas ang mga nagpositibo sa covid at nailagay sa strict home quarantine naman ang mga primary contacts na negatibo sa inisyal na test. Ang kautusang ito ay epektibo mamayang alas dose, May 1, 2021.
Inaasahan na ang sino mang may mararamdamang sipon, ubo o lagnat ay agad na makipagugnayan sa kani kanilang bherts o di kaya tumawag sa ating RHU or MDRRM Hotlines.
09673969828 MDRRM Hotline
09774129916 RHU Hotline
Inaasahan ang pakikiisa at kooperasyon ng bawat isa sa mga alituntunin na itinalaga habang ang iilang areas sa Brgy Osmena at Brgy Jardin ay nasa ECQ.