
AMOS TARA: PAILAW SA PASKUHAN NG ATING MUNISIPYO AT FIREWORK DISPLAY MATUTUNGHAYAN ANG GANDA SA TAONANG SELEBRASYON NG ATING PISTANG BANUA 2022
Pinangunahan ng ating butihing Mayor Ma. Virginia N. De Vera ang taonang selebrasyon sa ating Munisipyo upang iparamdam ang diwa ng pasko. Kung saan ay bubuksan na ang pag papailaw ng ating Christmas decors at fireworks display na matutunghayan at kagigiliwan ng ating mga kababayan ang kumukuti-kutitap na ilaw sa ating Munisipyo at iba’t-ibang Christmas Photo booth ang makikita na pwedeng mag pa picture at selfie kasama ang buong pamilya. Kasabay nito ang Mayor’s Night makiindayog sa magagandang tugtugin kasama ang buong pamilya, kamag-anak at kaibigan “Dayon Kamo sa Selibrasyon ng ating Pistang Banua 2022.”
Layunin ni Mayor V na ipakita ang pagbuklod-buklod kalakip ang pagmamahalan, pagpagkakaisa at pag-asa na sumisimbulo sa tunay na masayang pasko at masaganang bagong taon.
#amostara
#pailawsamunisipyo
#dayonkamo
#abanteculion