Ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Culion ay buong Pusong sumusuporta sa Pelikulang “Culion” na sumasalamin sa Buhay ng ating mga Unang Mamayan

Ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Culion ay buong pusong sumusuporta sa pelikulang “Culion” na sumasalamin sa buhay ng ating mga unang mamayan. Ito ay napakagandang kwento ng pag asa, determinasyon at pagmamahal.

Ipinagmamalaki ng lokal na pamahalaan ang pelikulang Culion dahil ito ay kwento ng ating bayan. Ang kwentong taas noo nating dapat ibahagi sa buong mundo na sa kabila ng lahat – dapat mamayani ang pag asa at pagmamahal sa bawat isa upang malampasan ang anu mang dagok ng buhay. Ang kwento ng Culion ay kwento nating lahat.

Suportahan natin ang pelikulang Culion upang lalong mamayani sa ating ang pag asa, pagmamahal at determinasyon sa buhay. Nanawagan ang lokal na pamahalaan sa ating mga kababayan, kaibigan at mga pamilya na unang panuorin ang “Culion”.

Abante Culion!

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!