
Ang Opisina ng MDRRM ay Nagsagawa ng Paglilinis
Alinsunod sa direktiba ng ating mahal na Punong Bayan Hon. Ma. Virginia N. De Vera, ang opisina ng MDRRM ay nagsagawa ng paglilinis sa isa sa mga historical sites ng ating bayan ang “AGUILA Viewpoint”. Ang nasabing aktibidades ay isa sa mga programa ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating Municipal Tourism Office Culion Turismo na may layunin na mapanatili ang ating kasaysayan sa pamamagitan ng malinis at maayos na mga makasaysayang istruktura. Layunin din ng nasabing aktibidad na maging maaliwalas at ligtas ang daraanan patungo sa nasabing historical site.
TRIVIA: Aguila Viewpoint
Ang mga sinaunang pasyente ang gumawa ng napakalaking kahalintulad ng selyo ng Philippine Health Service bilang pagkilala at pagpapahalaga sa dedikasyon ng mga manggagawang pangkalusugan na nagtatrabaho sa Culion. Inabot ng 3 taon ang paggawa ng replika sa pamamagitan ng masusing pag-aayos ng mga malalaking bato sa dalisdis ng bundok kung saan matatanaw ang malawak na karagatan ng Bayan ng Culion.