Skip to main content

Ang unang ayuda ay naipamahagi sa buong Poblacion barangays ( Osmena, Tiza, Libis, Balala, Culango, Jardin at Baldat) sa loob ng 24 na oras

Ang unang ayuda ay naipamahagi sa buong Poblacion barangays ( Osmena, Tiza, Libis, Balala, Culango, Jardin at Baldat) sa loob ng 24 na oras mula ng isinailalim ang mga barangay na ito sa Enhanced Community Quarantine alinsunod sa malawakang tracing na isinasagawa.

Sinigurado ni Mayor V na mabigyan ng ayuda [bigas at ulam (isda o gulay o karneng manok)] ang lahat ng pamilya sa mga nasabing barangays. Ipinatupad din ngayong araw ang Pasuyo Program sa bawat barangay upang masigurado na masolusyonan ang pangangailan ng bawat pamilya.

Inaasahan na habang hindi pa naisusumite ang kabuuhang resulta ng pinalawak na contact tracing ay mananatili sa ganitong sitwasyon ang buong poblacion barangays. Inaasahan na ang unang ayudang ipinagkaloob ng munisipyo ay agarang masusundan ng ayuda mula sa bawat barangay.

Naging maayos at masunurin ang mga residente sa unang araw ng implementasyon at patuloy na nakikiusap ang Lokal IATF sa kooperasyon at pagkakaisa ng bawat isa samantalang pinapangako din ni Mayor V ang agarang suporta sa bawat pamilyang apektado.

Ipinaabot ni Mayor V ang pasasalamat sa lahat ng residente sa pakikiisa at kooperasyon ganun din sa mga kawani ng lokal na pamahalaan kasama ang mga opisyales ng barangay at volunteer workers, ang ating mga kapulisan, HIKARI at samahan ng SBC sa agarang pagresponde sa monitoring, repacking at distribution. Pag sama sama, tayo ay aabante at malalampasan ang pagsubok na ito bilang isang bayan.

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan