
Announcement from IATF Culion about 24LSIS
Pabatid ng CULION IATF.
Matatandaan kamakailan ay mayroon tayong 24 LSIs na dumating lulan ng Villa Milagrosa, 2GO, at Jun Aster. Sila ay sinundo ng ating lokal na pamahalaan sa Coron Port na agaran namang sumailalim sa medical check up at quarantine protocols. Pagdaong sa Culion Port ay agad silang hinatid sa ating quarantine facilities.
Kahapon ay isinagawa ang RAPID TESTING sa ating mga LSIs at 3 sa mga nasabing LSIs ay nagpositibo sa nasabing test. Agad nating pinasailalim sa SWAB TEST upang makumpirma ang tunay na kondisyon ng nasabing tatlong indibidwal. Ang SWAB test ay agad nating pinadala sa Puerto Princesa. Ang mga nasabing LSI ay kasalukuyang nasa isang isolation area hiwalay sa 21 LSIs na Negatibo sa RAPID TESTING. Ipinapaalam ng Lokal na pamahalaan ng Culion na sa kasalukuyan ay WALA PA RIN PONG KUMPIRMADONG KASO NG COVID19 SA ATING BAYAN. Kinakialangan pa rin po ang kumpirmasyon sa pamamagitan ng PCR TESTING SA MGA SWAB TEST NA ATING IPINIDALA SA Ospital ng Palawan. Inaasahan natin ang resulta ng SWAB TEST sa mga susunod na araw mula sa Ospital ng Palawan sa Puerto Princesa.
Sa kabilang banda ay naging madali at maagap ang ating RHU Team sa tracing dahil mula sa araw na sila ay ating sinundo ay maayos silang naigrupo base sa manifesto mula sa mga nasabing sea vessels.
Bagamat sinisigurado ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng IATF na tayo ay handa at nasa ating kontrol ay pinapayuhan ang bawat isa na makiisa at makipagtulungan. Mangyaring ang lahat ay mahigpit na sumunod sa ating mga protocols at mimumun health standards. Pinapayuhan pa rin po ang lahat na iwasang lumabas kung hindi naman kinakailangan.