Skip to main content

Arampang Amapang Caravan sa Barangay Binudac!

Pagkalipas ng araw ng mga puso ay dumako ang Arampang ampang Caravan ni Mayor V sa Barangay Binudac upang magbigay serbisyo. Si mayor V ay nagbigay ng update sa ating mga kababayan doon sa mga proyekto at plano niya para sa Barangay Binudac na siya namang ikinatuwa ng ating mga kababayan.
Sa pagpapatuloy ay namahagi rin si Mayor V ng mga:
*candy at vitamins para sa mga bata
*Pakbet seeds sa ating mga kababayan
*PWD Goods
*I-HEAL Scholarship program
*PSA Marriage Certificates
*2 set first aid kits with spine board para sa 2 paaralan sa Binudac at iba’t ibang serbisyo tulad ng check-up at maintenance sa mga matatanda at mga pwd, pagtatala ng mga mangingisda, magsasaka at mga nag-aalaga ng baboy sa listahan ng Department of Agriculture, at pagrequest ng mga birth certificates sa PSA at pagsasaayos ng mga maling tala ng Birth Certificates.
Patuloy ang ating pag-abante patungo pa sa ibang mga barangay upang magbigay serbisyong may tunay na malasakit sa ating mga kababayan.
Susunod na kabanata: !
#AbanteCulion
#IHEALCulion
#ArampangAmpangCaravan
#ProgramangMalasakit
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan