
BAGONG SEA AMBULANCE PARA SA BAYAN NG CULION DUMATING NA!
LOOK: BAGONG SEA AMBULANCE PARA SA BAYAN NG CULION DUMATING NA!
Isa ang Sea Ambulance sa mga ninanais ng administrasyon Mayor Ma. Virginia N. De Vera na mag karoon ang ating bayan. Ito’y malaking kaginhawaan sa ating mga kababayan nasa malalayong isla ng ating munisipyo upang mabigyang atensyong medikal higit ngayong nahaharap ang ating bansa/bayan sa pandemya.
Kaya minabuti ni Mayor V na mag liham sa tanggapan ng DOH-CHD Mimaropa thru Mr. Rommel Howard Iway at sa opisina ng ating Congressman Franz “Chicoy” Alvarez kung saan siya mismo ang nagkalap ng pondo para dito upang magkaroon ng sariling sea ambulance. Mapalad ang ating bayan na naging benepisaryo ng nasabing proyekto sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program ng DOH-CHD MIMAROPA, katuwang si Cong. Chicoy Alvarez upang maisaktuparan ang matagal nang pangarap.
Kahapon ito ay personal na sinalubong ng ating masipag na Mayor Ma. Virginia N. De Vera ang nasabing sea ambulance kasama si G. Rommel Howard Iway, Development Management Officer IV at MDRRMO.
Lubos na pasasalamat ang nais ipaabot ng lokal na pamahalaan sa Department of Health (DOH-CHD MIMAROPA)at sa ating Cong. Chickoy sa walang sawang pag suporta sa bayan ng Culion tungo sa pag abante, ganundin sa lahat nang iba pang personalidad na naging bahagi ng katagumpayang nito.
#salamatDOH
#salamatCong.Chickoy
#WorkingMayor
#AbanteCulion!