
BAHAY TULUYAN BINUKSAN PARA SA MAMAMAYAN NG CULION!
TINGNAN: BAHAY TULUYAN BINUKSAN PARA SA MAMAMAYAN NG CULION!
Ang pagkakaroon ng ganitong Programang Malasakit ni Mayor V ay isang indikasyon na nag papakita ng kahusayan dahil sa mga hitik na proyekto at direktang mapapakinabangan para sa agarang pagunlad sa bayan ng Culion.
Isang maikling programa ang ginanap nito lang Agosto 15, taong kasalukuyan na pinangunahan ng ating butihing Mayor Ma. Virginia N. De Vera at Municipal Administrator Maxim F. Raymundo ang “House Blessing” para sa pormal na pag bubukas sa publiko ng ating “Bahay-Tuluyan” na matatagpuan sa Barangay Culango. Matutulungan nito ang mga hikahos nating kababayan mula pa sa malalayong lugar upang hindi na magkukumahog maghanap ng matutuluyan at maibsan ang kabawasan sa gastusin. Kaya’t, hindi na nag-atubiling buksan ni Mayor V ang komportable, maganda, at ligtas na Bahay- Tuluyan upang mas marami pa ang makikinabang. Malaki ang maitutulong nito sa mga kaanak na may pasyenteng nagpapagamot sa ospital at habang nagpaparekober na manumbalik ang lakas ng kanilang kaanak bago umuwi sa kanilang lugar. Iyan ang adhikaing maipamana ni Mayor V sa ating kababayan na nasa laylayan.
Sa Programa ni Mayor V ang imposible ay naging posible para sa pagtugon ng masisilungan para sa ating kababayan.
Mangyari lamang na makipag-ugnayan kay G. John L. Fetalino sa mga sumusunod na numero:
#09150056095
#09997055563
#BahayTuluyan
#ProgramangMalasakit
#AbanteCulion.