
Bakit nga ba importante ang first 1000 days ni baby?
Para sa mabuting pundasyon sa magandang kinabukasan ni baby tara at ating alamin ang kahalagahan ng first 1000 days ng ating mga anak
Maaaring maiwasan ito kung pahahalagahan ng bawat ina ang kanilang nutrisyon sa First 1000 days nila ni baby. Mahalagang gawin ang sumusunod sa First 1000 days:

Regular na pagpapatingin sa mga health medical providers tulad ng midwife, doktor o nars sa unang tanda ng pagbubuntis
Uminom ng multivitamins na may folic acid at ferrous sulfate para sa mental and pisikal na development ni baby
Pagpapabakuna ng tetanus toxoid para maiwasan ang neonatal tetanus
Pagkain ng mga masusustansiyang pagkain (Go, Grow, and Glow)
Manganak lamang sa malinis at ligtas na paanakan katukad ng ospital o lying-in upang masigurado ang kaligtasan ni mommy at baby

Tanging gatas ng ina lamang ang ipainom sa unang anim (6) na buwan.
Magpa Newborn Screening upang matiyak na walang metabolic disorder
Regular na pagpunta sa health center o clinic para sa schedule ng check-up o bakuna
Pagpapakain ng mga masusustansyiang pagkain (Go, Grow and Glow) simula sa ika-anim na buwan ng sanggol