Skip to main content

Balay Silangan Reformation Center

: () !
Matagumpay na isinagawa ang paglunsad ng Balay Silangan Reformation Center at pag sign ni Mayor V sa nasabing Memorandum of Understanding (MOU) nito lang Sabado ika-23 ng Setyembre taong kasalukuyan na ginanap sa HIKARI Farm Barangay Baldat. Dahil ito sa pagtutulungan at sanib pwersa ng Pamahalaang Lokal at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), PNP, BFP, NGO, Religious Sector at Stakeholders.
Layunin ng Balay Silangan Reformation Center ay mabigyan ng pagkakataon at pag-asang makabangong muli na makamit ang pagbabago ng ating mga kababayan na minsang lumihis ang landas at nasangkot sa ipinagbabawal na gamot. Ang Pamahalaang Lokal sa pangunguna ng ating abang lingkod Mayor V ay handang tumulong sa pangangailangan ng mga drug surenderes sa loob ng Balay Silangan Reformation Center. Seryoso ang ating Pamahalaang Lokal na paigtingin ang kampanya kontra sa illegal na droga sa bayan ng Culion katuwang ang Culion-MPS sa pangunguna ni PLt. Jeric D. Enrinal.
Ang pag pirma ni Mayor V sa Memorandum of Understanding na nangangahulugan lamang na pag pirma sa mga Stakeholders upang makibahagi sa sinusulong na programa ng Pamahalaang Lokal sa pag sugpo ng mga illegal na aktibidades gaya na lamang ng droga.
Kasama sa mga dumalo sina Assistant Regional Director of PDEA MIMAROPA Gina g. Dorelyn Hemedez, PDEA Palawan Provincial officer IA V Ginoong. Jeremy Carl Junio, Palawan Anti-Drug Abuse Council Focal Ginang. Florfe Anne Fernandez, Mayor Ma. Virginia N. De Vera, DILG-MLGOO Binibining. April Grace S. Halili, Resident Pastor Dr. Francis John Fadrilan, Municipal Health Officer Dra. Jonamine D. Fadrilan, Culion-MPS PLt. Jeric D. Enrinal, Buraeu of Fire and Protection (BFP) SPO2 Diodel Arzaga, MDRRMO Designate Ginoong. Armando Lagrosa II, BADAC Chairman Hon. Niel S. Pagao, Hon. Felipe Solas, Hon. Christopher Galigao, Hon. Gilbert Ferriol, MADAC Focal Binibining. Kay Apryl E. Collado.
#balaysilangan
#memorandumofunderstanding
#drugfree
#AbanteCulion
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan