
BALIKATAN SA PROGRAMANG MALASAKIT PAIIGTINGIN!
TINGNAN: BALIKATAN SA PROGRAMANG MALASAKIT PAIIGTINGIN!
Ang pagkakataon ay naaayon sa panahon dahil sa pagbubuklod ng ating mga partners at Pamahalaang Lokal sa pamumuno ni Mayor V ay malaki ang paniniwala at seguridad na maisakatuparan ang mga proyekto na direktang maibabahagi sa ating mga kapus-palad na kababayang nasa laylayan.
Sa pakikipag-ugnayan ni Mayor V at ng ating Municipal Administrator, Maxim F. Raymundo sa mga partners nating NGO, nagkaroon ng presentasyon na ginanap noong ika-26 ng Hulyo, taong kasalukuyan sa Barangay Hall ng Baldat. Kung saan nilatag ang mahahalagang panukala para sa kahilingang proyekto. Ito ay ang Programang patubig (3rd level) na maghahatid ng malinis na supply ng tubig sa bawat tahanan. Isa din sa prayoridad na matulungan ng programang pangkabuhayan para sa ating katutubong IP’s. Sila ay bibigyan nang sapat na kagamitang Pangingisda, karagdagang bangka at lambat upang masustentuhan ang pangangailangang hanapbuhay at dagdag kita para sa kanilang pamilya. Ang mga proyektong nilahad ay sinang-ayunan ng mga Punong Barangay at Department Heads ng Pamahalaang Lokal.
Dahil sa pinapakitang dedikasyon mula sa kinatawan ng GCash, CFI, USAID Fish Right Program, iisang adhikain ang magbubuklod para sa tuloy-tuloy na balikatang maiangat ang buhay ng bawat mamamayan ng Culion.
#malinisnatubigsabawatpamilya
#kabuhayanparasaIP’s
#balikatanproject
#abanteculion