BARANGAY BURABOD ROAD CONCRETING PHASE II

Ang proyektong “Burabod Road Concreting Phase II” ay matagumpay nang natapos nitong ika-6 ng Hulyo taong 2020 sa ilalim ng responsibilidad ng contractor na Kudz Trading Construction and Supply. Nakapaglaan ng halagang 1,497,378.98 piso ang Pamahalaang Lokal ng Culion para sa proyektong ito mula sa 20% Development Fund Project.

Pinagtuunan ng pansin ng ating Punong Bayan Hon. Ma. Virginia Nakachi De Vera ang mga kalsada katulad ng sa nasabing barangay sapagkat mabato at maputik ang lugar lalo na ngayong panahon ng tag-ulan at nagiging dahilan ng naantala ang pagdaraan ng ating mga kababayan papunta sa kanilang mga trabaho at kabuhayan.

Layunin din ng proyektong ito ang makatulong na mapabuti at mapaganda ang kalsada patungo sa paaralan ng ating mga studyante sa Barangay Burabod sa oras na ang balik eskwela ay maipatupad sa bayan.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!