Skip to main content

BASKETBALL SUMMER LEAGUE 2K22 SA ATING BAYAN PINASINAYAAN NG SANGGUNIANG KABATAAN!

Mayo 25, 2022, isinagawa ang pagbubukas ng Basketball League sa ating bayan sa pamamagitan isang parada ng mga manlalaro na nagmula sa iba’t ibang barangay dito sa Culion nagtapos ang parada sa Balala Covered Court na kung saan ginanap ang opisyal na pagsisimula ng palaro. Ang nasabing patimpalak ay inorganisa ng Sangguniang Kabataan sa pangunguna ng SK President Aljon P. Daco na ang layunin ay mapalakas ang kagalingan ng ating mga kabataan sa larangan ng sports at mailayo sila sa ipinagbabawal na gamot.
Ang ating mahal na Mayor V ay buo ang suporta sa mga ganitong aktibidades upang matuldukan ang paglaganap ng droga sa ating bayan lalong lalo na sa ating kabataan. Ang lokal na pamahalaan ay lubos na nagpapasalamat sa nag organisa ng nasabing aktibidades. Bagamat mayroon pagkukulang, lubos na humihingi ng paumanhin ang ating pamunuan.
Laging pinapaalala ni Mayor V na walang magandang maidudulot ang droga sa ating lipunan. Samahan natin ang kabataan na iwaksi ang droga upang lalong umabante ang ating bayan. Tuloy tuloy ang mga ganitong programa sa pagtatapos ng pandemya na ating nararanasan.
#labankontradroga
#tuloyangAbante
#Abanteculion
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan