BAYANIHAN SA GITNA NG PANDEMYA

Noon pa man nasa kultura na nating mga Pilipino ang pakikipag-bayanihan sa bawat isa, kung saan sa Isla ng Culion buhay parin sa mga mamamayan ang kahalagahan ng bayanihan.

Ngayon ang ating bayan ay nahaharap sa krisis na dulot ng pandemya (COVID-19), dahil sa pangyayaring naganap kamakailan kung saan nagkaroon ng pag lilimita sa galaw ng tao bilang tugon ng pamahalaan upang agarang masugpo ang pagkalat ng virus ng may mga positibo mula sa bayan ng Coron na tumungo sa Culion at nakasalamuha ng ilang residente ng bayan ay agaran silang inilagay sa tamang pasilidad upang bigyang atensyong medikal ng mga eskperto sa kalusugan at para maobserbahan.

Bilang tugon, inilunsad ng lokal na pamahalaan ang ‘PASUYO SYSTEM” kung saan ang mga opisyales ng barangay ang inatasan at itinalagang bumili ng mga pangunahing pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan sa pang araw-araw. Ito’y malaking pag subok sa lahat ng mga naatasan lalo’t sa ating mga frontliners ngunit kanilang ginagampanan ng tapat ang tungkulin bilang mga lingkod bayan.

Muling napatunayan na mayroong magandang ugnayan ang mamamayan at gobyerno sa ating bayan dahil sa ipinakitang pagsunod sa mga alituntunin at gabay bilang pag-iingat na isinasagawa upang mabilisang mapuksa ang pagkalat ng nasabing virus, dahil ninanais ng pamahalaan na mabilisang maibalik sa normal na sitwasyon ang pamumuhay ng lahat at higit sa lahat maging ligtas ang bawat isa.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!