
BDRRM Visitation and Audit
Magandang Araw Bayan ng Culion!
Ayon sa direktiba ng ating butihing Mayor Hon. Ma. Virginia N. De Vera at base na rin sa inisyatibo ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang opisina ay kasalukuyang nagsasagawa ng “BDRRM Visitation and Audit” sa 14 barangays na nasasakupan ng bayan ng Culion na nagsimula noong February 21 at inaasahang matatapos hanggang March 2 taong kasalukuyan.
Layunin ng nasabing aktibidades na matukoy at ma assess ang kapasidad at kahandaan ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) ng bawat barangay pagdating sa usaping pang-kalamidad at di inaasahang mga sakuna.
Sa ngayon ay nalibot at napuntahan na nang opisina ang Barangay Carabao, Halsey, Burabod, at Galoc.
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)