BIGAS NA IPINAGKALOOB NG PROVINCIAL GOVERNMENT IPINAMAHAGI!

Isang pasasalamat ang nais ipaabot ng Lokal na Pamahalan ng Culion sa Provincial Government of Palawan sa pangunguna ng ating Gobernador Jose Ch. Alvarez sa ipinagkaloob na isang libong sako ng bigas bilang tulong sa krisis na dulot ng pandemya.

Noong araw ng sabado unang ipinamahagi ang nasabing bigas sa Brgy. Galoc Proper na pinangunahan ng ating mahal na Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera at sa mga susunod na araw muling mag-iikot si Mayor V upang personal na ipaabot ang mga tulong sa bawat barangay.

Kasama sa pamamahagi ang ilang meyembro ng Sanggunian na sina SB Cunanan, SB Sarmiento, SB Solas, SB Astor, SB Dayandante, SK Daco at ilang kawani.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!