
Bilang ng mga nagkakaroon ng HIV o Human Immunodeficiency Virus
Pataas nang pataas ang bilang ng mga nagkakaroon ng HIV o
Human Immunodeficiency Virus hindi lang sa Palawan kundi pati na rin sa buong bansa. Kapag hindi ginamot ang HIV, maaari itong lumala at maging acquired immunodeficiency syndrome o AIDS.
Kahit sino, pwedeng maging parte ng statistics. At ayon sa datos, mas prone ang mga kabataan dito. Pero sa pamamagitan ng pagpa-practice ng safe sex at pagpapa-test para malaman ang ating HIV status, pwedeng mapigilan ang pagkakaroon o maagapan ang paglala ng HIV.


Ang HIV at AIDS ay magkaiba, bagama’t sila ay may kaugnayan sa isa’t-isa. Ang HIV ay ang mikrobyo na nagdudulot ng HIV na impeksyon. Sinisira ng virus ang depensa ng ating katawan.
AIDS o Acquired Immuno Deficiency Syndrome ito kapag hindi na kayang lumaban ng ating katawan laban sa mga sakit dahil dumarami na ang virus sa katawan.
Pwede pa ring mamuhay nang normal ang taong may HIV basta nasuri nang maaga.
Ingat lagi!
#AbanteCulion