
BLESSING AT TURN-OVER NG BARANGAY BALDAT PERMANENT HOUSING PROJECT NAISAKATUPARAN
Pinangunahan nina Congressman Chicoy Alvarez, Board Member Anton Alvarez, Mayor Viniang De Vera, at mga Sangguniang Bayan Members kasama ang Punong Barangay ng Barangay Baldat ang blessing at distribution ng Yolanda Permanent Housing Program sa 28 benepisyaryo, nito lamang ika-30 ng Marso taong kasalukuyan. Ang mga benepisyaryo ay residente ng nasabing barangay na biktima ng Bagyong Yolanda.
Naisakatuparan ang pagpapatayo ng Baldat Housing Project dahil sa pakikipagtulongan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Viniang De Vera sa pamunuan ng National Housing Authority o NHA.
Ito ay malaking tulong sa bawat benepisyaryong pamilya upang muling makapag-simula matapos ang pagsubok na naranasan.
#TatakMayorV
#AbanteCulion
#ProgramangMalaskait
#Housing #HousingProject
#YolandaPermanentHousingProgram