
BREAKING NEWS: MGA MANGINGISDANG WALANG PERMIT NASABAT NG PULISYA SA KARAGATAN NG BARANGAY GALOC
Araw ng Marso ika-16 taong kasalukuyan ng makatanggap ng tawag ang ating
kapulisan mula sa ating concerned citizen na mayroong mga mangingisda na hindi residente ng Culion at nang makumpirma ang nasabing gawain agad inatasan ng ating Punong Bayan Ma. Virginia N. De Vera ang kapulisan at ikinasa ang operasyon. Ang mga nasabing mangingisda ay nahuli sa karagatan ng Sitio Balingbing, Barangay Galoc na risedente mula sa Taliman at Mactan Proper, Lapu-Lapu City, Cebu lulan ng bankang “Christ Elbert” na mayroong tatlong (3) pahenante.
Mayroong mahigit na dalawang daang (200) kilong abalone, kung saan ang kapitan ng bangka ay walang maipakitang kaukulang papeles o permit na mangisda sa ating bayan. Kung kaya’t sila ay dinakip at dinala sa presinto upang maitala, madokumento ng maayos at nahaharap sa pag labag sa Municipal Ordinance No. 2009-020 Section 5 (Comprehensive Municipal Fishery Ordinance of Culion).
Ito ay bahagi ng programa ng Bantay Culion sa pag babantay ng ating karagatan at kung saan pinapalakas at hinihikayat ang bawat isa na agad mag sumbong o
ipagbigay alam sa kinauukulan ang mga di kanais-nais na aktibidad sa ating
mga barangay upang agarang mabigyan aksyon at mapangalagaan ang ating
bayan sa ano mang uri ng banta sa mamamayan o sa ating likas yaman.
#BantayCulion
#BantayDagat
#LGU_Laginghanda
#Malasakitsalikasyaman
#AbanteCulion!