Burabod Evacuation Center Ginagawa na!

Noong taong 2019 ay nabigyan tayo ng mga proyekto ng ADM 2019 o Assistance to Disadvantaged Municipalities ng DILG. Sinigurado ni Mayor V na ang mga proyektong ito ay higit na makakatulong sa mga barangay na mahirap abutin sa panahon ng kalamidad. Kaya naman, agad-agad tayong nagsumite ng mga project proposals at iba pang requirements. Hindi nagtagal ay naging aprobado ang ating mga project proposal na Evacuation Centers ng Burabod at Chindonan.

Matapos na maisagawa ang mga Evacuation Centers ng Barangay Jardin at Barangay Binudac ay sinimulan agad ang Evacuation Center ng Barangay Burabod. Asahan din natin na susunod na gagawin ang Evacuation Center ng Chindonan.

Malaking bagay ang tulong na proyekto mula sa DILG kaya naman hindi ito pinalampas ni Mayor V dahil para din ito sa proteksyon at kaligtasan ng ating bayan na sumasalamin sa programang malasakit ni Mayor V. Abante Culion!

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!