
CASH ASSISTANCE PARA SA ATING MGA MAGSASAKA
Araw ng Miyerkules ika-9 ng Marso taong kasalukuyan, matagumpay na naipamahagi ang tulong pinansyal para sa ating 523 farmers at mga fertilizers para sa 50 na benipisyaryo nito na ginanap sa Barangay Balala Covered Court na pinangunahan ni Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera at ni Regional Executive Director Dr. Antonio Gerundio ng Department of Agriculture (DA) MIMAROPA. Ito ay dahil sa mapursigeng pakikipag-ugnayan ni Mayor V sa DA at ng ating Municipal Agriculture Officer Mr. Arnel H. Alcantara sa Regional Office DA-MIMAROPA sa pangunguna ni Engr. Maria Teresa Carido bilang Focal Person for Cash Assistance upang mabigyan ng sapat na tulong ang ating mga masisipag na magsasaka dito sa bayan ng Culion. Ito ay isang hakbang sa mithiing maging food basket ang bayan ng Culion sa buong Calamian dahil sa mataas ng potensyal sa agrikultura.
Hangad ng administrasyon na maiangat ang antas ng agrikultura kaya naman patuloy ang suporta natin dito. Nais rin natin na mas mabigyang pansin pa ang mga magsasaka dahil isa sila sa mga sektor na labis na naapektuhan dulot ng pandemya. Tuloy-tuloy ang Programang Malasakit ni Mayor V para sa mas progresibo at maunlad na Bayan ng Culion.
#ProgramangMalasakit
#IHEALCulion
#Agrikultura
#AbanteCulion