Skip to main content

CASH ASSISTANCE PARA SA MGA KABABAYAN NATING NAAPEKTUHAN NG BAGYONG PAENG NAIPAMAHAGI NA!

TINGNAN: CASH ASSISTANCE PARA SA MGA KABABAYAN NATING NAAPEKTUHAN NG BAGYONG PAENG NAIPAMAHAGI NA!
Matagumpay na naipamahagi ang Cash Assistance sa ilalim ng Programang Malasakit ni Mayor V katuwang ang Municipal Administrator Office upang humalili sa pag asista nito upang mapuntahan ang mga Barangay na nasalanta ng bagyong Paeng at personal na maiabot ang tulong pinansyal mula sa ating Pamahalaang Lokal.
Prayoridad ng Programang Malasakit ni Mayor V na matulungan ang ating mga kababayan na makabangong muli sa pagsisimula ng kani-kanilang hanap-buhay para sa pangarap at kinabukasan ng bawat pamilyang dumanas ng hagupit at pananalasang dala ng bagyong Paeng sa naturang bayan.
Ang Pamahalaang Lokal sa pamumuno ng ating abang lingkod Mayor V ay kaagapay sa agarang pagtugon ng mga pangangailangan ng ating kababayan upang maiangat at ibangon na kinakaharap sa mga hamon ng buhay.
#cashassistance
#bagyongpaeng
#abanteculion
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan