Cash Subsidy Payout para sa ating Maliliit na Magsasaka

Ngayong araw ika-22 ng Mayo taong 2020 ay kasalukuyang nagaganap ang pamamahagi ng limang libong(5,000) piso ng Pamahalaan Lokal ng Culion sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) at sa pakiki-pagtulungan ng LandBank of the Philippines (LBP) para sa mga kwalipikadong magsasaka sa ating bayan.

Pinangunahan ni Mayor Hon. Ma. Virginia Nakachi De Vera ang nasabing cash subsidy payout para sa ating maliliit na magsasaka na magsisilbing ayudang pinansyal upang makatulong pang-dagdag sa kanilang pangangailangan. Ang Lokal na Pamahalaan ng Culion ay magpapatuloy sa pagtugon at pagtulong sa ating mga magsasaka sa pamamagitan ng mga programa at pag-aangkat ng mga tanim nilang gulay upang lumakas ang kita at pagiging produktibo ng bawat magsasaka habang nakakaranas ng krisis ang buong bayan bungsod ng COVID-19.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!