PAGPAPATIBAY NG PAGTUTULUNGAN PARA SA EDUKASYON!

Isinagawa ang Turnover of Books to School Heads, isang programang nagmumula sa Culion Foundation, Inc. (CFI) sa Pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Cesar “Oyet” M. De Vera Jr.

Dumalo sa aktibidad si Mayor Oyet, kasama si Vice Mayor Ma. Virginia N. De Vera at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, upang ipakita ang kanilang suporta at pasasalamat sa CFI para sa ambag nito sa sektor ng edukasyon.

Ang pamamahagi ng mga aklat ay naglalayong makatulong sa mga paaralan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

Ang programang ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan ng mga organisasyon at ng lokal na pamahalaan upang masuportahan ang pangangailangan ng mga paaralan at mapalawak ang mga oportunidad sa pagkatuto ng kabataan.

📚 Sama-samang suporta para sa edukasyon, kaalaman, at kinabukasan ng mga mag-aaral ng Culion!

#CFI

#TurnoverOfBooks

#SuportaSaEdukasyon

#ProgramangMalasakit

#LGUCulion

#CulionPalawan

#TatakMayorO

#TatakFirstClass

#AbanteCulion