
CHARIOT COMMUNITY VEHICLE IPINAGKALOOB NI MAYOR V SA SAN IGNACIO ECO-VILLAGE, SITIO TABOK, BARANGAY OSMENA SA ILALIM NG PROGRAMANG MALASAKIT!
Matatandaang sa nakalipas na taon tayo’y nasalanta ng bagyong Yolanda, isa sa mga naapektuhan ang mga tirahan ng ating mga kabababayan na nakitra sa tabing dagat mula sa Barangay Osmena, kung saan naging benepisaryo ng libreng pabahay mula sa pribadong organisasyon (SLB) na ngayon ay kilala bilang San Ignacio Eco-Village.
Bilang karagdagang tulong sa kanilang komunidad mula sa lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor V, ipinagkaloob ang bagong Chariot bilang Community Vehicle na magagamit sa kanilang mga pangangailangan bilang transportasyon. Ito ay bahagi ng programang malasakit na matugunan ang mga hinaing ng ating mga kababayan na mabigyan ng agarang solusyon at sapat na atensyon tungo sa pag abante.
#ProgramangMalasakit
#CommunityVehicle
#TatakMayorV
#AbanteCulion